This Wife Spends All Money Of Her OFW Husband Into Worthless Things and Suddenly This Happened

It is every wish of the family to upgrade their standard of living through looking for better opportunities and greener pastures abroad without any hesitation to be separated from their family in a distant country. That is the ideas and thinking of the Overseas Filipino Workers together with their families comes into their mind. Even though many understand the risk and danger of being an OFW, there are many people who are committed to the danger and risk in order to alleviate their standard of living and escape from the clutches of poverty. It is same as the story shared by the extravagant wife of an OFW in social media network Facebook. The unfortunate and challenging story was about the OFW husband named VIC was obliged to work out of the country to provide needs and luxurious wants of his family.

Base on the wife of the OFW who learned a tough lesson from her mistake. During the time that her husband was in abroad, their lifestyles and standards of living dramatically change and the begin to be gluttonous in all things and always requesting gadgets, valuable things and anything that pleases their eyes. Since Vic is a responsible husband and father to his family, he tried to give all their desire and gladly provide it for them. Nevertheless. it came to the point at an unexpected time that the cousin of the OFW wife called her and inform the unexpected tragic news that crashed her world. Her loving husband encountered heart attack and lost the precious life. After the tragic events happen to her husband, then the family go through a great trials of their life that came to the point that all their material things belong to them have been sold because it is only the way to live and survived because they don't have savings during the time that the father was hardly working for their future.

At the end, the family has taught a tough lesson for them in a hard way that will be given an inspiration and lesson to all who have no desire of saving for their future. Kindly read the whole story that will teach you a lesson in life:
"BASAHIN ANG KWENTO NG ASAWA NG ISANG OFW..  
Pamagat: Luho (An OFW Story)  
Sulat ni: Rachel Astrero 
Abalang-abala kaming magpapamilya noon. Kadarating kasi ng aking asawang si Vic galing sa Qatar.Doon siya nagtatrabaho, mag-aapat na taon na. Sama-sama naming binubuksan ang Balikbayan box na pasalubong niya sa amin.
“Daddy, nandito ba iyong ipinabibili kong gadget?” tanong ng aking pangalawang anak ni si Lance, siyam na taong gulang na siya.
“Siempre naman, basta ikaw nanginginig pa” sagot naman ni Vic. Napapansin ko na matamlay ito, nakaupo lamang siya sa sofa at pinanonood kami. Medyo nangutim ang kaniyang balat at bahagya siyang pumayat. Nakaramdam ako nang pag-aalala pero iniisip ko na baka pagod lamang ito.
Napuno ng ligaya ng buong bahay, tuwang-tuwa ang tatlong anak namin sa mga naipasalubong sa kanila. May mga damit, gadget, relo para sa panganay naming si Desiree at mga laruanng Barbie doll para sa aming bunsong si Lizzy. Siempre mayroon din ako, make-up kit he he.
Nang kinagabihan habang nag-uusap kami sa aming kwarto ay napabuntung-hininga si Vic
“Para saan naman iyon Mahal?” tanong ko sa kaniya
“Ewan ko, kung ako kasi ang tatanungin ayaw ko nang bumalik sa abroad” makahulugang sabi nito
“Bakit naman, may problema ba?” tanong ko sa kaniya
“Nami-miss ko kasi kayo ng mga bata eh” mahinang sagot nito
“Nasasa-iyo iyon. Pero, paano iyan wala pa tayong ipon” sagot ko naman at inilitanya ko ang kinapuntahan ng pera na ipinadadala niya.
Napabuntung-hininga siya at nagyaya nang matulog.
Isang buwan lamang ang itinagal ni Vic sa amin at bumalik na siya sa Qatar.
Dating mekaniko si Vic sa Pilipinas at ako naman ay manicurista sa isang salon nang magkakilala kami. Nagligawan kami at nagpakasal, biniyayaan kami ng tatlong anak. Naipasya ni Vic na mag-abroad para makaipon kami ng pera na gagamitin para magkaroon siya ng sariling talyer; kaya pumunta siya sa Qatar.
Masakit sa amin ng mga bata na umalis siya, pero napawi ang hirap ng aming loob nang magsimula ng magpadala ng pera at mga balikbayan boxes si Vic. Tuwing tatawag siya ay pabili nang pabili ng kung anu-ano ang mga bata. Naging updated sila sa mga modernong gadget at nakapag-aral pa sa private school.
Naipa-renovate ko na rin ang bahay, pinalakihan ko ang kusina at nagdagdag ako ng isang kwarto. Ibinigay ng mga magulang ko ang bahay at lote na iyon, pero maliit lang ang bahay kaya inayos ko. Nakabili na rin kami ng mga modernong appliances gaya ng microwave, oven, toaster, HD TV, magagandang furniture at kung anu-ano pa.
Hindi na rin ako nagtrabaho at pumirmi na lamang sa bahay. Malaki ang aking iginanda dahil nabibili ko ng lahat ang mga bagay na kailangan pati ang mga gusto ko. Natuto na rin akong magpahid ng mga creams sa aking mukha at hindi ako lumalabas ng bahay kapag mainit.
Akala namin ay wala nang katapusan ang nararanasan naming kariwasaan sa buhay. Aaminin ko na naging maluho kaming mag-anak at kaunti lamang ang naitatabi ko sa tuwing nagpapadala si Vic. Kasi naman ay kuryente pa lang ay napakamahal na ng singil, dahil siguro ito sa napakarami naming appliances. May pagkakataon din kasi na pinipilit kong magnegosyo pero laging lugi at palpak. Hindi pala lahat ng tao ay maaring mag-negosyo.Napakahalaga pala ng pag-iipon.
“Noong minsan ay tumawag ako kay Vic, siyam na taon na siya noon sa abroad.
“Mahal, hinihiling ni Desiree ang engrandeng Debut” paalam ko sa kaniya
“O sige lalakihan ko ang padala para sa party niya” walang gatol na sagot ni Vic
Ganyan talaga ang aking asawa, napakaresponsable, napangiti ako. May pagkakataon na kunwari pa ay nagtatampo ako, sinasabi ko na baka may babae na siya o baka hindi na niya ako mahal. Pilit niya akong inaalo. Sigurado ako na tapat ang aking asawa dahil bantay-sarado siya ng pinsang kong si Buknoy; magkasama sila ni Vic sa trabaho.
Halos dalawandaang libong piso ang nagastos namin sa debut ni Desiree. Hindi natapos doon ang luho ng mga bata. Noong minsang tumawag si Vic ay nakiusap ang aming bunso na ipa-air-con ang hahay dahil gusto daw niyang pumuti. Dahil dito ay nagpadala ng malaking pera si Vic, ini-renovate na naman ang bahay at kinabitan ito ng dalawang aircon.
Nag-asal mayaman na rin ako at Donya ang tawag sa akin ng aking mga kaibigan. Bumili ako ng mamahaling damit at mga alahas bukod pa sa ipinadadala ni Vic. Ang anak kong lalaki ay naging maporma rin at ngayon ay nagpapabili pa ng motorsiklo. Hanggang sa isang araw, tumawag sa akin ang pinsan kong si Buknoy. Nagtaka ako dahil hindi naman siya tumatawag sa akin. Nakakausap ko lang siya kapag tinatawagan ako ni Vic.
“Pinsan, huwag ka sanang mabibigla” panimula nito
“Ano iyon, may problema ba? Nambabae ba si Vic?” tanong ko sa kaniya
“Hindi siya nambabae, pero binawian siya ng buhay dahil sa atake sa puso” malumanay na sabi nito.
Napaupo akong pasalampak sa sahig. Namatay ang aking asawa, hindi man lang namin nakita. Paano na kami ngayon?
Nagpapalahaw ako, sinundan na rin iyon ng iyak ng mga bata nang malaman nila ang sinapit ng kanilang ama.
Matagal na palang dinidibdib ni Vic ang sakit sa puso, ayaw lang sabihin sa amin. Kaya pala gusto na niyang umuwi, pero napilitang bumalik para lang sa amin. Ngayon ay nawala na siya. Marahil dahil sa pagod dahil nagtatrabaho pala siya doon sa dalawang kumpanya at halos wala nang pahinga masuportahan lang ang luho namin.
Dalawang buwan muna ang nakalipas bago namin nakuha ang bangkay ni Vic, nakalagay lamang ito sa kabaong na kahoy. Inilipat namin ito sa mas disenteng kabaong at inihatid na sa huling hantungan. Kahit paano ay nag-ambag ang kaniyang mga kasama para sa amin at tinulungan naman kami ng OWWA kahit paano.
Malaki ang nabago sa buhay namin nang mawala si Vic. Hindi matanggap ng aking mga anak na wala na rin ang luho na tinamasa nila. Nahinto sa pag-aaral ang mga bata. Hindi sila masanay-sanay sa hirap dahil lumaki sila sa luho. Naipagbili na rin namin ang iba naming gamit para may makain kami at maibayad sa mga bills.
Sana, nag-ipon ako. Sana, hindi puro luho ang inatupag naming mag-anak. Sana hindi ko sinanay sa luho ang aming mga anak. Ngayon, magsisi man ako ay wala na.
Damang-dama ko ngayon ang hirap. Kung anu-anong trabaho ang aking pinapasok at bumalik ako sa pagiging manicurista, mabuhay lang kami. Sayang, sana hindi ako naging maluho. Pagsisisi na dadalhin ko hanggang sa huli."
 What can you say about the heartbreaking story of an OFW wife? Kindly share your comments and ideas with us.

Share it on Facebook
Loading...
 
Share this News. Thank You!


Share it on Facebook

×
blogger